[...] "May panukala ako.” Payukong lumapit ito tulad ng ginagawa ng kaibigan kong si April kapag gusto niyang magsabi ng isang lihim, kahit na wala sa kanyang mga lihim ang nakabubuti. O kahit na mga lihim talaga. "Kung hindi mo sasabihin kahit kanino na nandito ako, magagamot ko ang iyong mga mata.”
"Lumabas ka ng bayan!”
Kumurap ito ng ilang beses. "Iyon ang sinusubukan kong gawin.”
"Ang ibig kong sabihin ay hindi mo pwedeng gawin iyon!”
"Bakit hindi?”
"Hmm, walang ibang nakagamot ng aking mga mata, maliban sa salamin.”
"Mayroon akong ilang mga kakayahan. Makikita mo, sa kondisyon na..."
"...Hindi ko sasabihin kanino man ang tungkol sa iyo?”
"Iyon ang pinakamahalaga, iyon ang punto.”
"Paano ko malalaman na hindi mo ako bubulagin? Maaaring katulad ka ng isa sa mga telemarketer na nangangako pero nagsisinungaling talaga.”
Nagsimula itong magpaliwanag muli. "Hindi ko gagawin ang ganoong bagay sa isang nilalang na hindi ako sinaktan.”
"Ibig sabihin kung sinaktan kita, maaari mo akong bulagin?”
"Iyon ay batay sa kailangang malaman.”
"At kung gagamutin mo ang aking mga mata, at hindi ko sasabihin kanino man ang tungkol sa iyo, iiwanan mo ang mga bukid namin?”
"Iyon ang pinakamahalaga!” [...]