[…] “Meron akong iaalok” lumapit sya sakin kamuka ng paglapit ni April saakin pag may sasabihin syang sikreto, kahit na kadalasan wala namang kwenta ang mga sikreto nya. O hindi naman talaga sikreto. “Kung wala kang sasabihan kahit sino na nandito ako, gagamutin ko yang mga mata mo.”
“Wag mo nga akong niloloko!”
Ilang beses din syang kumurap. “ Yan ang sinusubukan kong gawin.”
“Ang sinasabi ko lang, hindi mo kayang gawin yang sinasabi mo!”
“Bakit hindi?”
“Eh kasi, wala namang nakagamot ng mga mata ko mula noon, salamin lang talaga ang gumana.”
“ Magaling ako, maabilidad. Makikita mo, basta…”
”… wala akong sasabihan tungkol sayo?”
“ Tama, yun ang pangunahing kundisyon.”
“Paano naman ako makakasigurong di mo ko bubulagin? Baka para ka lang ding ahente sa telepono na kung ano ano ang pinapangako, di naman totoo”
Patuloy sya sa pakikipag usap at pagkumbinsi na kaya nyang magpagaling ng mata at pagpapaliwanag na hindi ito puro salita at pangako lang. “Hindi ko kayang manakit ng kahit sino na wala namang ginagawang masama saakin.”
“Ibig sabihin, pag nagawan kita ng hindi maganda, pwede mo akong bulagin?”
“Malalaman mo lang yan, pag may ginawa ka na”
“At kung gagamutin mo ang mata ko, at wala akong sasabihang kahit na sino tungkol sayo, aalis ka na sa lugar namin?”
“Tama, yun ang pangunahing kundisyon.” […]